header image
 

Pangarap Mo Ba Mag Abroad?

 Sino bang tao ang ayaw mag-abroad sa panahong ito diba?

Magandang araw mulit aking mga mambabasa, Ako po ay nakarating na sa maraming bansa is ito sa aking ipinagpapasalamat dahil ng ako’y nagkaroon ng buhay at namulat sa mundong ito ay hindi ko pinangarap na mag abroad o lumabas ng ating bansa at malayo sa aking mga mahal sa buhay.

Mula po sa bansang awstralya, muli akin pong ibabahagi ang kakatwang kwento na kung iisipin natin ng malalim ay may kurot ito at may kahulugan, na sa ating panahon sa ngayon marami ang nangangarap magpunta sa ibang bansa upang takasan ang kahirapan ngunit sa kabila ng ito malaki ang sakripisyong nakataya.

Ang makapunta sa mga pinapangarap na lugar sa iba’t ibang bansa tulad ng Dubay, Awstralya, Greyt Wol sa Tsina, Sapari, Las begas at kung anu-ano pa.

Pero sabi ko nga noon, bago ko muna mapuntahan ‘yang mga lugar na ‘yan, mas pipiliin ko munang puntahan at mapasyalan lahat ng magagandang lugar dito sa Pi’nas (kasama sana mahal ko) tulad sa SAGADA, BATAD, CHOCOLATE HILLS, APO/DAVAO, PALAWAN, SIARGAO at marami pang iba.

Pero sa kabilang banda, ang pag-aabroad ay isang payak na salita na para sa karamihan na ang ibig sabihin ay pag paghahanap-buhay sa ibang bayan.

Nakakalungkot mang isipin pero realidad na ito para sa marami na’ting kababayan, na masakit mang tanggapin kailangan nila itong gawin para din sa kani-kanilang pamilya.

Hindi na rin iba sa’tin ang makarinig ng nakakalungkot na resulta sa pagbalik nila dito sa Pi’nas, mga halimbawa na lang nito ay ang mga napariwala nilang kapamilya, nasirang pamilya, nalulong sa bisyo at kung anu-ano pa.

Wala namang ibang masisi kun’di ang kahirapan, at madalas ang pamamalakad ng mga numumuno sa ating bayan kung bakit ganito ang ating kinahahantungan.

Sa kabilang banda, bakit ko nga ba ‘to nailalahad.?

Nagpunta kasi  ako sa SM para mamasyal, bakasyon ko noon. (disyembre ng nakaraang taon). Nag bus lang ako dahil nakakapagod at nakakatakot ang long drive lalo na mag-isa.

Sa bandang likod kasi ko (medyo katabi ko) may isang babae (ang pretty n’ya) at lalake (wafu din bagay sila), nakakasiguro akong mag jowa ‘yon, ewan ko ba pero gumana ang ka-chismosohan ko, at nagawa kong palakihin ang tenga ko at idikit sa kanila. Napukaw kasi nila atensyon ko sa kanilang pinag-uusapan.

Ganito ang kanilang napag-usapan (Hindi ko ‘to gawa-gawa ha!):

Lalake: Mabuti ka nga nakatapos e’, ako hanggang high school lang.

Babae: paano yun wala ka ng balak mag-aral?

Lalake: Matanda na’ko no.

Babae: 22 (twenty-two) ka palang naman ha, may classmate nga ko before 32 na may anak na, pero nag-aaral.

Lalake: Kahit na, ako lang inaasahan sa bahay, may sakit pa si Nanay.

Babae: anong plano mo?

Lalake: Mag-abroad.

Natahimik ang Babae, Ewan ko ba, parang may kakaiba dahil natahimik din ako, although tahimik naman talaga ako that time, parang may malalim akong inisip.

Lalake: O’ ba’t natahimik ka?

Ngumiti lang yung babae pero halata ko sa mukha n’ya yung tinatawag na kalungkutan (Soooo emote)

Lalake: Sa panahon kasi ngayon, hindi ka aasenso kung wala ka nang pinag-aralan, high school grad. lang ako, yung iba nga college graduate pero nahihirapan pang maghanap ng trabaho.

Babae: Bakit kailangan mo pang umalis?, edi magbusiness ka na lang, may kakilala nga ako elementary lang yung natapos pero mayaman na ngayon.

Lalake: kasi ikaw nakapag tapos ka na, pagtanda mo wala ka ng aalalahanin pa. e’ ako, walang kasiguraduhan…. lalo na dito ka sa Maynila, hindi tulad sa Probinsya.

Babae: Oo nga daw, sa Province daw kasi basta marunong ka magtanim mabubuhay ka na.

Lalake: Parang ganun..

Natahimik na sila pareho.

Siyempre…natahimik din po ang inyong simple-knight, naghihintay ng mga susunod na kabanata, dahil hindi po ako sanay na matulog sa biyahe lalo na nakaupo lang sa bus.

Hanggang… Napansin uli ni Lalake na tahimik na si Babae ng tuluyan.

Lalake: hoy, ang tahimik mo talaga.. nakarinig ka lang ng “abroad”, alam mo bata kapa kasi, balang araw maiintindigan mo din ako.

Hindi umimik yung Babae

Lalake: Alam mo matagal pa naman yun, saka kung gagawin ko yun, para sa’tin.

(infairness kinilig ako dun).

Pagkatapos kong kiligin, Nilagay ko na lang headset ng IPOD ko at nakinig ng music, baka hindi ko maKeri.. (madala ako) Nyahahahaha…

Haaaayyy…naisip ko tuloy habang nakikinig ng musika ako kaya? Kung di ako nag abroad? Ano na kaya ang katayuan ko ngayon? Ano na kaya ang buhay ko ngayon? Ano na kaya ang nangyari sa amin ng aking eks? (dating kasintahan)

Mahirap Maiwanan at mang-iwan emo…ito po ay tunay na salamin ng buhay ang pagtakas sa kahirapan sa ating bansa ay maraming itinatayang pangako at madami dito ang nababaon na lang sa pangako.

Pamilya, Relasyon, kaibigan at Sarili ito ang mga nakaambang panganib sa ating dyorni sa ibang bansa. Hindi lingid sa ating kaalaman na madami na ang nasirang relasyon dahil sa tinatawag na LDLA o long distance love affair (korni-pero tutoo)

Kaya aking kaibigan, kabayan sana ipikit mo sandali ang iyong mga mata, isipin ang nakaraan, minsan masakit pero masarap din itong gunitain, minsan mapapangiti pa din tayo kahit na paano.

Muli, maraming salamat, sa inyong pagbabasa sa aking kwento (tsismis) ito po ay naalala ko lamang ngayong ako’y nagsimulang magsulat paghahanda sa aking ginagawang sariling websayt (abangan ang paglabas nito). At dahil na rin sa lungkot ng pag-iisa. Magandang araw sa inyong lahat ako lang po : Simple – Knight.

~ by kulguy143 on October 14, 2008.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.